San ba tau pupunta? Kung ang isang mamamayang Pinoy ang tatanungin mo ngayon kung gusto pa ba niyang maging Pilipino o ayaw na. Malamang ang sagot niya isa sa mga ito: "Oo!" o'kaya "Hell no!" *lol*. Ayokong sumagot ng "Oo!" dahil ayokong dumura patingala kung alam kong babalik ito sa Face ko. Ayoko naman din sabihin na "Ayaw ko ng maging Pinoy!" kung sa isip, puso at gawa, pati itsura ay Pinoy na Pinoy parin ako. Masasabi kong may pagka nasyonalismo parin ako. Maraming magagandang na ibahagi ang Pilipinas sa mundo. Una wala sanang issue ang Times Magazine tunkol sa pinaka-bobong presidente (kumita ng malaki ang Times dahil sa issue nilang ito). Ang katagang "Erap para sa mahirap" kung isasalin sa ingles ay "Erap to become poor". Mababawasan sana ang bansang kasapi sa United Nations na walang alam gawin kundi umutang. Wala sanang Pilipinas sa mapa. Di sana na imbento ang armalite (isang uri ng baril na sumikat sa America "Automatic Rifle, Carbine o Machine Gun" sa mas sikat na tawag, di ko na maalala ang pangalan ng imbentor na Pinoy na gumawa ng unang modelo nito at maslalong hindi ito natala sa libro o sa kasaysayan dahil pa-uso ko lang lahat ito. *lol*)
Napatunayan ko na hindi natutulog ang langgam. Sa lahat ng hayop sa mundo ang langgam lang hindi nagpapahinga, dahil sa liit ng istraktura ng katawan nila, sobra-sobra ang inerhiya nila na kahit hindi sila magpahinga ay mabubuhay parin sila basta wag mo lang silang titirisin. Malamang isa na sana ako sa sikat na siyantipiko ngayon kung mapapatunayan ko ito (o cge, kung sino man ang makakapagpakita sa akin ng isang langgam na natutulog ay bibiyan ko ng 100 pesos hindi patay kailangan tulog at kailangan magising ko siya *lol*).
Ayon sa isang pag-aaral ng "National Wold Ethics and Psychology Testing" ang Pilipinas daw ay isa sa mga bansang may pinaka mababang self-esteem (maniwala kana kahit pa-uso ko lang ulit ito). Wala tayong na papala kahit marami pa man sa atin ang genius. May pride daw ang pinoy, pero pera lang ang katapat nito. Sigiradong lusaw ang pride mo pagnaambunan ito ng salapi. Ang mga makabagong imbensyon at tuklas ng pinoy ay ipinagbibili sa mayayamang bansa. Ang mga sikat na siyantipikong Pinoy ay nasa ibang bansa upang tumuklas, pano tayo uunlad niyan! Linsyak! Minsan napanood ko sa National Geographic ang isang Pinay na scientist sa London, na nataimtim na ipinapaliwanag ang magagawa ng impact ng pagbagsak ng isang bulalakaw na galing sa kung tawagin ay mutiverse, ito ay na-derive sa kagagawan ng anti-monitor dahilan upang magkaroon ng parallel universe kung saan matatagpuan ang earth-one, earth-two, earth-three at earth prime na nabasa ko sa DC komiks at naniniwala naman kayo *lol*.
San ba tayo pupunta..? Wag na dito na lang ako.